Dahil sa APEC make-up classes sa NCR, pinag-utos ng DepEd
Kaugnay sa 4 na araw na suspensyon, simula Nov. 17-20
MANILA, Philippines - Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga school division superintendents sa Metro Manila na magsagawa ng make-up classes, kasunod na rin ng suspensiyon ng klase sa Nobyembre dahil sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) mee-ting na idaraos sa bansa.
Batay sa memorandum na ipinalabas ni DepEd-National Capital Region (NCR) Director Luz Almeda, ipinauubaya na nito sa school division ang pagtatakda ng petsa kung kelan maaa-ring isagawa ang make-up classes.
Kasama rin sa kautusan na talakayin sa klase ang kahalagahan ng APEC. Paalala pa ng DepEd-NCR sa mga pinuno ng mga paaralan na tiyaking makasusunod sila sa requirement ng kabuuang bilang ng school days.
Matatandaang nagpalabas ang Malacañang ng Proclamation No. 1072 na nagdedeklara sa Nobyembre 18 at 19 bilang non-working holidays sa Metro Manila dahil sa APEC.
Inaasahang suspendido ang klase mula Nobyembre 17 (Martes) hanggang Nobyembre 20 (Biyernes) dahil sa APEC na dadaluhan ng mga head of state ng 21 member countries.
Pangunahing tinukoy na dahilan ng suspensyon ng klase ang seguridad at upang lumuwag ang trapiko.
- Latest