Lubak sa Macapagal Avenue sinimulan nang tapalan

MANILA, Philippines – Matapos ang matinding mga pagbatikos ng maraming mga motorista sinimulan na kahapon ang pagkumpuni o rehabilitasyon sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Ave­nue sa Parañaque City.

Dahil dito, kaya’t magpapatupad ng re-routing ang Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA.

Nabatid, na pansamantala munang isinara ang kaha­baan ng Macapagal Avenue dahil sa road repair at ang mga motorista, mga pampasaherong bus at malala­king truck ay dadaan muna sa Roxas Boulevard, na inaasahang lalung bibigat ang daloy ng trapiko dito.

Sa ipinadalang sulat ni PRA general manager Peter Anthony Abaya sa tanggapan ng MMDA, kinakailangang isara ang ilang portion ng kahabaan ng Diosdado Maca­pagal Avenue, Soutbound lane sa pagitan ng Belle Avenue at Juan Macaraeg Bridge, Parañaque City (harapan ng Gerry’s Grill at Shakeys) dahil sa major repair at isasagawa ang rehabilitasyon dito.

Ito ay dahil nga sa  nagla­lakihang butas o lubak  kung bumabagal ang takbo ng mga sasakyan na nagsasanhi nang pagbigat sa daloy ng trapiko sa lugar.

Sa darating na Setyembre 25 inaasahang matatapos ang naturang rehabilitas­yon.

Show comments