^

Metro

29 mga armas at bala nasamsam ng QCPD, 32 most wanted arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 29 na iba’t-ibang mga armas na ginagamit sa iligal­ na aktibidad ang nasamsam ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), gayundin ang pagkaka-aresto sa 32 top most wanted persons.

Ito ang nabatid kay QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo Tinio matapos iprisenta sa mga mamamahayag ang mga nasamsam na armas mula sa mga suspect na sangkot sa iba’t-ibang criminal activities kahapon.

Ayon kay Tinio, ang mga nasabing armas, bukod pa sa isang granada, mga bala, na karamihan ay mga improvised at hindi rehistrado ay nasamsam ng mga operating units mula sa 12 police­ stations.

Sabi ng opisyal, malaki ang maitutulong ng kanilang kam­panya sa pagkakakumpiska sa mga armas, lalo na ang pagkakadakip sa mga MWPs, laban sa kriminalidad, dahil papasok na ang sinasabing ‘ber months’ kung saan simula na ang pagiging aktibo ng mga masasamang loob.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

EDGARDO TINIO

ITO

MGA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SABI

TINIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with