MANILA, Philippines - Matapos ang big time rollback noong nakaraang linggo, big time increase naman ang ipatutupad ng ilang oil companies ngayong araw na ito (Sept. 8).
Ito ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, na nagtaas ng P1.75 kada litro ang kanilang gasolina, P1.95 sa diesel habang nasa P1.85 sa kada litro sa kerosene, epektibo ito alas-12:01 kagabi.
Inaasahang susunod na ring magpapatupad ng oil price hike ang ilang oil companies sa kaparehong halaga.
Nabatid kay Ina Soriano, ng Pilipinas Shell ang bagong pagtaas ng presyo ng langis ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Matatandaan, na huling nagpatupad ng pagbaba sa presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ay noong Agosto 30 ng taong kasalukuyan.