Buntis patay sa saksak ng ka-live-in

 STAR/File photo

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang maging ang dinadala niya sa sinapupunan makaraang pag­sasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng nirerentahang bahay, kamakalawa­ ng tanghali sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Carmilla Pamila Donaire, 20, at naninirahan sa Acero Street, Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakaki­lanlan ng suspect habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ukol dito.

Sa ulat nina PO3 Alexander Dela Cruz at PO2 Roldan Angeles, dakong alas-11:30 kamakalawa ng tanghali nang madiskubre ni Mark Aervin Asistol ang bangkay ng biktima sa inuupahang bahay.

Sisingilin sana si Asistol sa upa ng bahay ang biktima nang madiskubre ang duguang si Donaire nang buksan ang bahay matapos na walang sumagot sa kanyang tawag.

Sa pagsusuri ng pulisya, nagtamo ng ma­raming saksak sa likod ang biktima.

Kabilang ngayon sa iniimbestigahan ang kinakasama ng biktima na hindi muna binang­git ang pagkakakilanlan.

 

Show comments