^

Metro

Mga opisyal ng barangay, pinabubusisi sa ‘shabu tiangge’ sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos  ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Ma­lapitan na isailalim rin sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Brgy. Tala kabilang ang chairman at mga kagawad sa posibilidad na kaugnayan sa sinalakay na shabu tiangge kamakailan.

Ito ay makaraang maka­kuha ng video footage ang mga awtoridad na kita ang ilang tao na nakasuot ng uniporme ng barangay tanod na naghahati-hati sa nakapaketeng hinihinalang iligal na droga sa Phase 12 Ba­rangay 188 Tala, ng naturang lungsod.

Bukod sa mga opisyal ng barangay, tututok rin sa imbestigasyon ang binuong Special Task Force sa sinibak na commander ng Police Community Precinct sa naturang barangay at kanyang mga tauhan.

Samantala, tatlo sa 10 bahay na nadiskubreng drug den ang giniba na ng lokal na pamahalaan habang naghihintay pa ng legal na proseso para mademolish ang iba pang bahay na gamit ng sindikato.

Hinikayat naman ni Mala­pitan ang mga residente ng Caloocan na makipagtulungan sa paglaban sa iligal na droga at sinabing may nakalaan na reward para sa makapagtuturo sa mga talamak na pusher sa kanilang lugar.

Matatandaan na sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naturang lugar nitong nakaraang Miyerkules kung saan 21 katao ang nadakip at nakumpiska ang ilang mga baril at nakaw na motorsiklo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BUKOD

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HINIKAYAT

MGA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SPECIAL TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with