Traffic re-routing sa SONA, inilabas
MANILA, Philippines - Muling isasara sa trapiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang parte ng Commonwealth Avenue bilang bahagi ng traffic plan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa darating na Lunes.
Sa anunsyo, isasara ang north bound lane ng Commonwealth Avenue mula Ever Gotesco hanggang St. Peter Church habang maglalagay naman ng zipper lane sa south bound lane umpisa alas-3 ng madaling araw sa Lunes.
Upang hindi mabalahaw sa trapiko, pinayuhan na lamang ng MMDA ang mga motorista na umiwas na lamang sa mga apektadong lugar lalo na ang may mga demonstrasyon.
Sa mga dumaraan sa North Avenue, pinayuhan na dumaan sa Mindanao Avenue kanan sa Quirino Highway hanggang destinasyon.
Sa mga galing EDSA, kumanan sa Congressional Avenue kaliwa sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road, diretso sa Don Julio Gregorio at Republic Avenue, kaliwa sa Chesnut, kanan sa Dahlia Avenue kaliwa sa Fairlane o Regalado Avenue hanggang sa destinasyon.
Nasa 1,200 tauhan umano ang ikakalat ng MMDA upang mamahala sa trapiko, rumesponde sa emergency, maglinis at umalalay sa pulisya.
- Latest