^

Metro

Bus salpok sa poste: 26 pasahero sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawamput-anim na pasahero ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang bus  sa isang poste sa may EDSA- Santolan flyover sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 3, ang mga na­sabing biktima ay agad namang nalapatan ng lunas­ sa isang ospital dito ma­tapos na magsipagtamo ng mga sugat at mga galos sa kanilang mga katawan.

Ayon kay PO3 Perlito Datu, imbestigador ng TS-3­, nangyari ang insidente sa northbound lane ng EDSA-Santolan Flyover, Brgy. Camp Aguinaldo, dakong alas-9:30 Martes ng gabi.

Diumano, mabilis na binabay­bay ng Daewoo-Worthy transport bus (AEL-989)­ na minamaneho ni Dennis­ Carillanes, 25, ng Caloocan City ang northbound lane ng EDSA-Santolan­ nang pagsapit sa harap ng Camp Aguinaldo ay biglang kumabig ito at direktang tinumbok ang nakatayong poste sa lugar.

Dahil sa lakas ng impact, nawasak ang windshield at natuklap ang unahang bahagi ng bus na biyaheng Pacita-Fairview na ikina­sugat ng mga pa­sahero nito.

Depensa ng driver, may sumingit anya sa kanyang sasakyan kung kaya napa­kabig siya at bumangga sa poste.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang kinakaharap ngayon ng driver ng bus habang nakapiit sa nasabing himpilan. (Ricky T. Tulipat)

ACIRC

ANG

AYON

CALOOCAN CITY

CAMP AGUINALDO

PERLITO DATU

QUEZON CITY POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

RICKY T

SANTOLAN

SANTOLAN FLYOVER

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with