4 tiklo sa droga
MANILA, Philippines - Apat na katao ang nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (QCPDAID-SOTG) sa isinagawang anti-illegal drug operation kung saan nasamsam ang may P50,000 halaga ng shabu at mga baril sa lungsod, iniulat kahapon.?
Sa ulat ni SPO3 Porfirio Dooc Jr., imbestigador ng DSOTG, nakilala ang nadakip na mga suspect na sina Ismael Javier, 39; Concepcion Soliman, 38; Fernando Ruiz, 27; at Gemini Lado, 37; pawang residente sa F. Castillo St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod.?
Nakumpiska sa mga suspect ang siyam na piraso ng plastic sachet ng shabu, anim na plastic sachet ng tuyong marijuana, apat na disposable lighter, dalawang piraso ng aluminum foil, isang improvised shotgun, isang 12 gauge ammo pouch, isang balisong, at siyam na piraso ng basyo ng 12 gauge shotgun. Isinagawa ang nasabing operasyon makaraang makumpirma ng mga pulisya ang pagkakasangkot ng mga suspect sa kalakalan ng iligal na droga sa naturang lugar. (Ricky Tulipat)?
- Latest