Nagkagitgitan sa daan, negosyante tinodas

Bumulagta  si Erwin Tan  driver ng  Toyota Innova na may plakang NWI 253 nang apat na beses paputukan sa ulo at katawan ni Rim Teoxon, driver ng  Toyota Hi-Lux na may plakang UQN 816 matapos  na  bumaba ng sasakyan at komprontahin ng una ang  huli  dahil sa pag-cut ng ilang  ulit  una sa Mindanao Ave. Ext., Bgy Ugong, Valenzuela. APSN/Bening Batuigas

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yante nang  barilin at napatay ng kanyang nakagitgitan sa kahabaan ng C-5 Road, Mindanao Ext. Brgy. Ugong, Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Apat na tama ng  bala ng baril sa ulo at katawan ang  tinamo ng  biktimang si Erwin Tan, 47. Idineklara itong dead on  the spot.

Nakilala naman ang  suspek na si Rim Teoxon, 43 na mabilis na  tumakas matapos ang pamamaril.

Lumilitaw sa inisyal na report na alas-9:00 ng gabi kamakalawa nang minamaneho ni  Tan ang kanyang Toyota Innova (NWI-253) at binabaybay ang kahabaan ng C-5 Road pauwi sa kanyang bahay nang makagitgitan nito ang suspek na nagmamaneho ng Toyota Hi-Lux (UQN-816) sa nasabing lugar.

Nabatid na dalawang ulit na na-cut ni Teoxon si Tan hanggang sa pagdating sa Mindanao Ave. Ext. ay na-cut  na ni  Tan si Teoxon.

Dito na bumaba si Tan at pinuntahan si Teoxon sa kanyang sasakyan at kinompronta na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

 

Show comments