MANILA, Philippines – Winakasan ng isang driver ang kanyang buhay nang magbigti ito sa loob ng kanyang banyo sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Wilfredo Balderama ng Manila Police District PS 3 ang bangkay ni Christopher Dumpa, 24, ng Felix Huertas St., Sta. Cruz Maynila ay natagpuan ng kanyang pamangkin na si Joyce, 11, dakong alas-12:35 ng madaling-araw.
Nagtungo si Joyce sa banyo subalit bumulaga sa kanya ang tiyuhin na nakabitin.
Agad niyang ipinagbigay alam sa kanyang lolo na si Edison Dumpa, 57, ang nasabing insidente at kaagad ipinagbigay alam sa pulisya.
Batay sa pagsisiyasat, posibleng dinamdam ng biktima ang pag-iwan sa kanya ng girlfriend at pagsama nito sa ibang lalaki.
Tumanggi naman ang pamilya na imbestigahan pa ang insidente dahil wala naman umanong foul play dito.