^

Metro

Tindahan ni Ate Joy, muling aarangkada ngayong Women’s month

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aarangkadang muli ang proyekto ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na ‘Tindahan ni Ate Joy’ para sa mga kababaihan ngayong Women’s month.

 Sa darating na March 9,2015 ay isasagawa ang  pagkakaloob ng  BDO ATM sa mga ‘Tindahan ni Ate Joy’ batch 1 beneficiaries  na naglalaman ng kalahati ng kanilang kinita mula sa naipagkaloob na  tindahan ni Belmonte  sa mga ito noong nagdaang taon upang maga­mit ng kanilang mga anak sa ibat ibang mga gastusin laluna sa eskuwelahan.

Ang kalahati naman ng kanilang kinita sa tindahan  ay ilalaan naman nila sa ‘Tindahan ni Ate Joy’ batch 2 beneficiaries upang madag­dagan ang kanilang  puhunan at tuloy higit na tataas ang  malilikom na pera para sa kani -kanilang mga pamilya.

Noong nakaraang taon , 2 batches na may mahigit 400 kababaihan ang napagkalooban ni Belmonte ng P10,000 worth ng mga grocery items bilang panimula ng kanilang  tindahan.

“Maganda ang naging  turn out ng kanilang mga tindahan kayat ngayon kinukumusta natin sila at halos lahat naman sa kanila ay lumago ang negosyo ng kanilang tindahan .Patuloy nating ipatutupad ang programang ito para makatulong tayong mapaunlad ang kabuhayan ng mga kababaihan ng QC” pahayag ni Belmonte.

Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Women’s month ngayong Marso ay magkakaroon din sa March 9 ng dance contest para sa hanay ng mga mag-aaral, barangay level ,elderly at  iba pa bilang pagbibigay pugay naman sa mga kababaihan sa naging papel ng mga ito sa lipunan para sa paghubog ng bawat komunidad.

AARANGKADANG

ATE JOY

BELMONTE

BILANG

KANILANG

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

TINDAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with