^

Metro

Parricide sa misis ni Enzo Pastor, pinadidismis sa Quezon City court

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinadidismis ng kampo ni Dahlia Guerrero-Pastor, asawa ng napaslang na inter­national car race driver Ferdinand “Enzo’’ Pastor sa Quezon City court ang kasong parricide na nakasampa sa kanya sa naturang korte.

Ito ang nilalaman ng mos­yon na isinumite ng kampo ni Dahlia Guerrero Pastor  sa QC RTC Branch 91 sa pama­magitan ng abogado nitong si Atty. Redemberto Villanueva kahapon.

Si Guerrero-Pastor ay nahaharap sa kasong parricide sa umano’y pagbaril at pagka­matay sa asawa nito noong June 12, 2014 sa kanto ng  Congressional at Visayas Avenues sa lungsod.

Bagamat tumanggi ang korte na magbigay  sa media ng kopya ng mosyon  ay sinabi naman ni Villanueva sa mga reporters  na sila ay humihingi ng dismissal sa kaso dahil sa argumentong forum shopping.

Sa ginanap na pagdinig kahapon sa kasong ito ay hindi naman pinayagan ang miyembro ng media na makapasok sa courtroom. Dumalo naman sa hearing ang mga magulang ni Enzo na sina Tom at Remy Pastor.

Sinasabing hindi pa rin nakapagpapalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Pastor-Guerrero matapos mapaulat na ito  at ang negos­yanteng si Domingo “Sandy” de Guzman III ang itinuturong magkasabwat sa pagpatay kay Enzo.

Niliwanag ni Villanueva na ang kanyang kliyente ay naninindigang hindi na ka­ilangan pang dumalo sa preliminary investigation ng  korte dahil sa karapatan nitong manahimik kaugnay ng kaso.

Kaugnay nito, naitakda naman­ ng  Regional Trial Court Branch 85 kung saan naka­sampa ang kasong murder­ ni de Guzman na dinggin ang kaso  sa March 10, 2015.

DAHLIA GUERRERO PASTOR

DAHLIA GUERRERO-PASTOR

ENZO

GUZMAN

QUEZON CITY

REDEMBERTO VILLANUEVA

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with