^

Metro

Mga pasaway sa MMDA 3 sinibak, 23 pa sinuspinde

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinibak ang tatlo pang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), habang 23 pa ang pawang suspendido dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iba’t  ibang katiwalian.

Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ito ay ginawa matapos na mapatunayang nasangkot ang mga ito  sa kasong extortion o pangingikil, grave misconduct, at gross neglect of duty.

Hindi naman isinapubliko ang pangalan ng tatlong sinibak  na mula sa Traffic Discipline Office (TDO) ng ahensiya.

Samantala, ang 23 pa ay suspendido naman mula 15 hanggang 90 araw dahil sa ilang katiwalian  na kinasasang­kutan nito tulad ng extortion activities, questionable issuance of traffic violation receipts, misconduct, grave abuse of autho­rity, insubordination, violation of office rules, at bigong pagdalo  sa buwanang  formation.

Nabatid, na may 50 pa umanong inisyuhan ng warnings­ at reprimands dahil sa ilang palabag at may ilan ding sinam­pahan ng pormal na kaso. Paglilinaw ni Tolentino, ang mga nasangkot nilang tauhan sa mga katiwalian ay pawang dumaan sa due process at masusing imbestigasyon ng Administrative at Legal departments ng MMDA.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

PAGLILINAW

SAMANTALA

SINIBAK

TOLENTINO

TRAFFIC DISCIPLINE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with