^

Metro

Binata todas sa bugbog ng mag-ama

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Binata todas sa bugbog ng mag-ama
Quezon City is the most populous area in the country.
Philstar.com / File

Pamangkin ipinagtanggol

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na binata ang patay matapos pagtulungang bugbugin ng isang mag-ama matapos ipagtanggol ang kaniyang menor-de-edad na pamangkin sa Quezon City.

Batay sa report, dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si alyas “Ballesteros”, rider, ng Lower Bernardo, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City habang agad ding nadakip ang suspek na si alyas “Cabatan”, 22, binata at tugis ang ama nito na si alyas “Rommel”, kapwa construction worker, at residente ng Magsaysay St., Brgy. Pasong Tamo ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PSSg Prince Joy Rivera ng Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station (PS-14), naganap ang insidente bandang alas-9:30 ng gabi noong Linggo, Nobyembre 8 sa Freedom St., sa nasabing barangay.

Bago ang insidente, kinompronta ng biktima ang binatilyong kapatid ng suspek na si Cabatan na sumampal sa kanyang pamangkin. Nagsumbong ang binatilyo sa mga suspek hanggang sa mauwi sa suntukan kung saan natalo si Cabatan at kumuha ng kahoy. Dito na pinagpapalo ng kahoy at pinagsusuntok ng mga suspek ang biktima.

Inihahanda na ang kaso laban kay Cabatan habang tinutugis pa ang nakatakas na amang si Rommel.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with