No. 4 most wanted sa Valenzuela, timbog

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng Valenzuela City Police ang number 4 most wanted sa lungsod makaraang masakote sa isinagawang operation, kamakalawa.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Sr. Supt. Rhoderick Armamento ang nadakip na si Jaime Vega, 23, ng Sta. Brigida St., Brgy. Karuhatan, ng naturang lungsod.  

Sinabi ni Armamento na kilalang ‘tulak’ umano ng iligal na droga sa lungsod ang suspek.

Sa ulat, ilang linggong isinailalim sa paniniktik ng mga tauhan ng Station Investigation Division (SID) at Police Community Precinct 9 ang suspek sa ilalim ng “Manhunt Bravo”. Nang magpositibo sa presensya ang suspek dakong alas-7:56 ng umaga, ikinasa na ang operasyon sa pag-aresto dito.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan ng mga pulis habang armado ng warrant of arrest buhat kay Judge Emma Matammu ng Valenzuela RTC branch 269.

Show comments