^

Metro

Dahil sa dami ng reklamo MTPB chief nagsasagawa ng random surveillance

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bunsod na rin ng sunud-sunod na reklamo laban sa mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), sinabi ni Director Carter Don Logica na nagsasagawa sila ng random sur­veillance sa kanilang mga tauhan.

Sa panayam kay Logica, sinabi nito na kailangan niyang gawin mismo ang random surveillance upang maaktuhan ang kanyang mga tauhan na kadalasang nairereklamo ng  pango­ngotong sa mga motorista.

Ayon kay Logica, madali umanong itanggi ng mga traffic enforcer ang aku­sasyon ng mga motorista kaya’t nais niyang maranasan mismo na sitahin at kotongan ng mga traffic enforcer.

Sinabi ni Logica na bilin umano ni Manila Vice Mayor at traffic czar Isko Moreno na huwag makipagtransaksiyon sa mga traffic violator. Kung lumabag sa traffic rules, maaari itong tikitan at hindi dapat na makipagtawaran.

Maaari rin naman nilang pagbig­yan at payuhan kung saan maaaring sabihin na sumunod sa traffic rules ng lungsod ng Maynila upang iwas huli sa susunod.

Binigyan-diin pa ni Logica na hindi nila kinukunsinti ang kanilang mga ta­uhan dahil nais niyang malinis ang kanilang hanay at maipatupad ng tama ang batas.

Samantala, tiniyak din ni Logica na maaaring magsumbong ang sinumang motorista laban sa mga traffic enforcer na mang-aabuso.

Aniya, bukas ang kanilang tanggapan gayundin ang OVM Complaint Desk para sa anumang mga reklamo.

ANIYA

COMPLAINT DESK

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

ISKO MORENO

LOGICA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MANILA VICE MAYOR

TRAFFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with