Apo ng kongresista huli sa droga
MANILA, Philippines – Nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y apo ni Cavite Congressman Elpidio Barzaga sa isinagawang operasyon sa mismong bahay nito, sa Dasmariñas, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Atty. Eric Isidoro, hepe ng NBI-Anti Illegal Drugs Unit, dinakip ang suspek na si Harrel Barzaga, 39; at ang apat na iba pa kamakalawa ng gabi.
Bitbit ng operatiba ang search warrant nang maaktuhan ng mga ito ang grupo ni Barzaga na gumagamit ng shabu sa bahay nito sa Cavite. Aabot sa 9 na sachet ng shabu at iba’t-ibang drug paraphernalia ang nasamsam. Ang nasabing operasyon ay ikinasa matapos magreklamo ang mga residente o kapitbahay ni Barzaga kaugnay sa gabi-gabi umanong panggugulo nito at mga katropa.
Maiingay umano at pinaghinalaang nagdo-droga kaya nag-aplay ng search warrant para mapasok ang nasabing compound.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerou Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na nakapiit sa NBI detention facility. Hindi pa ibinibigay ang mga pagkilanlan ng iba pang suspek.
- Latest