^

Metro

Bilibid blast: 1 patay, 19 sugatan

Lordeth Bonilla at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang preso habang labing-siyam na­man ang nasugatan matapos sumabog ang isang granada sa loob ng maximum security ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni NBP Superintendent Richard Schwar­zkopf Jr. ang na­sawing bilanggo na si Jojo Fampo, miyembro ng ‘Sigue-Sigue Commando Gang’ na namatay noon din ng tamaan  ng shrapnels sa ulo at katawan.

Dalawa sa 19 na su­gatan ang nasa kritikal na kondisyon at ang mga ito ay nakilalang sina  Alvin Cruz at RJ Lacdal, na agad na isinugod sa Ospital ng Muntinlupa, habang ang 17 pang bik­tima ay ginagamot naman sa NBP Infirmary at kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas.

Ayon sa ulat, alas-9:55 ng umaga nang ma­ganap ang pagsabog sa gate ng Building 5 Delta ng maximum security compound kung saan nakakulong ang mga miyembro ng ‘Sigue-Sigue Commando Gang’.

Sa panayam kay Schwarzkopf, isang MK-2 fragmentation grenade ang sumabog sa loob ng nasabing gusali kung saan nakakulong ang nasa­wing si Fampo at ang mga nasugatan.

Nabatid na nauna nang nagsagawa ng ope­rasyon ang pinagsanib puwersa ng National Bureau (NBI), Department of Justice (DOJ) Special Reaction Unit at Special Patrol Unit ng Muntinlupa City Police na kung saan nakakumpiska ng ibat-ibang uri ng kontrabando mula sa mga selda ng mga inmates at  mga drug lords noong Disyembre 15.

Kabilang sa mga si­nalakay ng mga awtoridad ang apat na kubol na kung saan nakakum­piska ng kalahating kilo ng shabu at mga drugs paraphernalia na kung saan nakakulong din si Jojo Balicad sa Maximum Security Compound.

Bukod pa dito nakuha rin sa kubol ni Peter Co ang iba’t-ibang uri ng mga baril at mga alak, habang kay Herbert Co­langco ay apat na vault na naglalaman ng mga personal na gamit tulad ng limang kahon na rolex watch sa kubol nito sa NBP Reformation center.

Nabatid pa kay Schwar­z­kopf, na nito lamang Enero­ 6 (Martes) umabot na sa 19 na ibat-ibang uri ng baril, 19 na improvised shotgun, tatlong gra­nada, 403 na ibat- ibang uri ng bala ng baril, 78 na pirasong patalim at 268 na ap­pliances na kinabibila­ngan ng ilang aircon, flat screen TV, mga compu­ters, refrige­rator at DVD player.

Samantala, sa kaugnay pa ring balita, nabatid sa pamanuan ng NBP, sinibak  ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima sa serbisyo si NBP Pri­sons Assistant Supt. Ca­talino Malinao dahil sa kasong administratibo. ??

Base sa isang reso­lusyon na may petsang Nobyembre 18, 2014, napatunayang guilty si Malinao sa mga kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service. ??

Ang kaso ay nag-ugat nang pakialaman ni Malinao ang ginawang paghahalughog ng Special Patrol Unit o SPU ng Bureau of Corrections sa selda ng inmate na si David Allen Uy sa compound ng Amazing Grace Chapel, Building 11 noong Hulyo 7, 2014. ?

ALVIN CRUZ

AMAZING GRACE CHAPEL

ASSISTANT SUPT

DEPARTMENT OF JUSTICE

MALINAO

SHY

SIGUE-SIGUE COMMANDO GANG

SPECIAL PATROL UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with