^

Metro

Pagsabog sa Tondo: 2 patay, 7 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagsabog sa Tondo: 2 patay, 7 sugatan
Mismong si Fire Chief Inspector Demetrio Sablan, hepe ng operations ng Manila Fire Department, ang nagkumpirma sa pagkasawi ng dalawang residente sa sunog ngunit hindi pa pinangalanan ang mga ito.
Manila City DRRM Department

MANILA, Philippines — Dalawang indibidwal ang patay habang pitong iba pa ang sugatan matapos magkaroon ng pagsabog na sinundan ng sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Mismong si Fire Chief Inspector Demetrio Sablan, hepe ng operations ng Manila Fire Department, ang nagkumpirma sa pagkasawi ng dalawang residente sa sunog ngunit hindi pa pinangalanan ang mga ito.

Kabilang naman sa pitong sugatan ay mga bata, na dinala sa Mary Johnston Hospital, kabilang ang isang pitong buwang gulang na sanggol na maselan ang kondisyon.

Ayon sa Manila Fire Department, dakong alas-10:00 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa pagsabog sa Sto. Cristo St., sa Brgy. 5, na nauwi sa sunog.

Dahil umano sa lakas nang pagsabog, nasira pati ang pader ng isang katabing konkretong bahay. Wasak din naman ang ilan pang mga bahay sa harapang bahagi ng Sto. Cristo St..

Kasalukuyang nasa lockdown ang lugar dahil sa panganib ng pagguho ng bahay kung saan naganap ang insidente ng pagsabog.

Nabatid na dumating na rin ang mga tauhan ng Manila Police District Explosive and Ordnance Division (MPD-EOD) para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon at alamin ang dahilan ng pagsabog.

Aabot sa P50,000 ang halaga ng mga ari-ariang nawasak sa sunog.

Ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department, idineklara ang unang alarma sa sunog, dakong alas-10:14 ng umaga.

Nakontrol naman ang apoy dakong alas- 10:33 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-10:44 ng umaga.

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with