Pulis QC masisibak sa pagpapaputok ng baril
MANILA, Philippines – Isang pulis Quezon City ang maaaring masibak sa pwesto matapos magpaputok ng baril, anim na araw matapos takpan ng masking tape ang kanilang baril para sa bagong taon.
Kinasuhan na si Police Officer 2 Romel Mitra na nakatalaga sa station 6 sa Batasan Hills.
Ayon sa mga ulat, lasing si Mitra nang magpaputok ng baril noong Disyembre 28 sa Novaliches.
"He was immediately arrested after our people received a call from a concerned citizen," pahayag ni Quezon City Police District director Senior Superintendent Joel Pagdilao.
Nahaharap sa kasong alarm and scandal at illegal discharge of firearms si Mitra.
Samantala, tinanggal na rin ngayon ang selyo ng nasa 3,200 service firearms ng Quezon City na nilagdaan ni Pagdilao.
- Latest