^

Metro

Timba ng tubig ihanda sa putukan – BFP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection at pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga residente na ugaliing maghanda ng tubig sa gabi ng putukan sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang posibleng in­sidente ng mga sunog.

Pinayuhan din ang mga residente na sa labas lamang ng bahay magsindi ng paputok. Ipinaalala rin ng BFP na mga may “label” na paputok lamang ang bilhin at hindi ang mga walang label na ma­aaring “substandard” at dahilan pa ng mga aksidente kapag sinindihan.

Una namang sinabi ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na walang na­ilatag na “common firecracker zones” sa kanilang lungsod ngunit nakaalerto umano naman ang kanilang BFP sa pagresponde sa anumang insidente ng sunog.

Sa pagsalubong sa Bagong Taon, sinabi ni Mayor Rex Gatchalian na magtutuluy-tuloy umano ang pagtatayo ng mga bagong pa­aralan at establisimiyento sa taong 2015 bilang bahagi ng modernisasyon ng lungsod.

Nauna nang naitayo ang  Valenzuela School of Mathematics and Science Institute, ALERT Center na magiging utak sa pagres­ponde sa kalamidad at nasa loob ang bagong Central Fire Station, Red Cross Volunteer Center at VC Tent na magagmit bilang relief center.

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CENTRAL FIRE STATION

IPINAALALA

MAYOR REX GATCHALIAN

RED CROSS VOLUNTEER CENTER

VALENZUELA

VALENZUELA SCHOOL OF MATHEMATICS AND SCIENCE INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with