Motorsiklo vs jeep; 1 patay, 1 sugatan

MANILA, Philippines – Lasog ang isang rider­ habang sugatan ang angkas nito ma­tapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa nakasalubong na pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Edmund Daguno,   habang sugatan naman ang angkas nitong si Richard Minerva, na gina­gamot sa Philippine Orthopedic Center na nagtamo naman ng su­gat at pilay sa katawan.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Ma­labon City Police si Reynaldo Aguilar.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Francisco Versoza, ng Malabon City Police, Traffic Bureau, na­ganap ang insidente alas-10:45 ng gabi sa panulukan ng  M.H. del Pilar at Mesina Sts., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod.

Nabatid na angkas ni Daguno  si Minerva sa motorsiklong minamaneho nito, Suzuki Fury at  habang binabagtas ang naturang lugar ay  bigla na lamang sumalpok sa kasalubong na pampasaherong jeep  (TBS-219).

Tumama ang ulo ni Daguno sa salamin ng sasakyan ni Aguilar at humataw pa ito sa window steel frame na na­ging dahilan ng pagka­wasak ng kanyang mukha, habang tumilapon naman ang angkas nitong si Minerva sa kal­sada.

Show comments