MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na pahinante ang nagbigti gamit ang tuwalya matapos umanong mapundi sa kadaldalan ng kaniyang selosang kinakasama sa Pier 2 sa North Harbor, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Patrick Prado, residente ng Pier 2 sa North Harbor, Tondo.
Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 11:45 ng gabi nang hatinggabi nang madiskubre ng live-in partner na si Dalen Diaz, 21, ang biktima na nakabitin sa kanilang kisame. Sinabi ng landlady na si Juana Delgado, na ang alam lamang niya ay ang madalas na pagbabangayan ng dalawa hinggil sa selosan. Nabatid na bago ang pagbibigti, nakainom na ng alak ang biktima sa dinaluhang birthday party.