MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang imbestigasyon sa airport police na nakuhaan ng video na binasag ang salamin ng isang taxi sa departure area ng terminal 3.
Inaalam na ng MIAA kung may dapat bang panagutan si APO2 Alejandro Pineda Jr. matapos basagin ang salamin ng MGE taxi na minamaneho ni Boots Ymata.
Nagsimula ang insidente matapos tumangging ibigay ni Ymata ang kanyang lisensya kay Pineda dahil sa umano'y hindi siya ang naunang lumabag sa batas.
Aniya may mga ibang taxi na nagsakay sa hindi tamang sakayan, ngunit siya lamang ang hinuli ni Pineda.
Ayon sa pahayag ng MIAA na inilabas nila sa Facebook, lumabag si Ymata sa kasong disregarding traffic signs, obstruction, direct assault and resisting arrest.
Narito ang video na inilabas ng pasahero ng taxi noong Disyembre 12.