Dahil sa titig, obrero dedo sa kalugar
MANILA, Philippines – Dahil lamang sa titig isang binata ang sinaksak at napatay ng kanyang kalugar, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Dead on arrival sa Alabang Medical Clinic ang biktimang si Marcelino Gacias, 21, construction worker, nakatira sa GK Sison, Magdaong Drive, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si Jayson Gonzales, nakatira rin sa naturang lugar.
Sa report na natanggap ni Senior Supt. Noel Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi sa harapan ng tinitirhan ng biktima sa GK Sison, Magdaong Drive, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod kung saan nakatayo ang biktima at napatitig ito sa suspek na ikinagalit naman ng huli.
Dito na bumunot ng patalim ang suspek at nang makita ito ng biktima ay dali-dali itong pumasok sa kanilang bahay, subalit hinabol siya ni Gonzales.
Nang maabutan ni Gonzales si Gacias dito na niya ito inundayan ng saksak at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
- Latest