^

Metro

Van sa ‘abduction’, isinuko sa MPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw  ng Manila Police District (MPD) na walang lumulutang upang magharap ng reklamo ng kidnapping o abduction  kundi isang snatching incident lamang, na maiuugnay sa patungkol sa isang kulay puti na Nissan Urvan­ na  nag-iikot sa Quiapo, Maynila noong Nobyembre 27 at umano’y tinangkang dukutin ang may limang high school student.

Bilang tugon sa nai-ere sa isang television network noong Disyembre 2, nagsagawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang tanggapan ni C/Insp. Francisco Vargas, hepe ng MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Section.

 Sa beripikasyon mula sa Land Transportation Office (LTO) natunton ang address na nagmamay-ari ng Nissan Urvan na may plakang  WOW 232 na si Joeberth Ricarte, 34, isang overseas Filipino worker (OFW), ng Silang, Cavite. Nakarehistro ang nasabing sasakyan sa ina nitong si Dioly Ricarte, 54, residente rin ng na­sabing subdivision. Kahapon ay kusang isi­nuko ni Ricarte ang naturang sasakyan at umamin na nagulat siya sa napanood na nagsasangkot sa kanyang sasakyan sa pagdukot sa mga bata.

Paglilinaw niya, ipinahiram lamang niya sa kaibigang si Ronnel Millares ang van, na ipinakiusap din umano ng isang Melanio Labarda III na aarkilahin . Nagsilbing driver umano si Millares habang ang pamilya Labarda umano ang sakay upang magsimba sa Quiapo.

Gayunman, sina Millares at Labarda ay hindi matagpuan sa follow-up operation sa General Mariano Alvarez at sa Silang, Cavite.

Patuloy pang iimbestiga­han ang insidente subalit kahit umano matukoy ang iti­nu­turong may dala ng sa­sakyang nabanggit na nakunan sa closed circuit television (CCTV) ng Ba­rangay 393 Zone 40, ay wala namang kasong abduction o kidnapping na maaring isampa, ma­liban sa sina­sabing snatching.

Sa reklamo ng biktimang si Nicole Jay, 15 anyos, inagawan siya ng bag, habang kasama ang 4 na kaklase, ng dalawang lalaking sakay ng Nissan Urvan na nabanggit.

 

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING SECTION

CAVITE

DIOLY RICARTE

FRANCISCO VARGAS

GENERAL MARIANO ALVAREZ

JOEBERTH RICARTE

LABARDA

NISSAN URVAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with