^

Metro

Biktima pa nang nasapak na traffic enforcer, lumutang

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa na naman umanong biktima sa panghaharas ng kontrobersiyal na Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) traffic enforcer na si Jorbe Adriatico ang lu­mantad  at isiniwalat ang hindi magandang pag-uugali at pang-aabuso nito sa mga motorista.

Lumutang sa ABS-CBN ang isang abogado na may­roong hindi naging ma­gan­dang karanasan sa na­banggit na traffic enforcer.
Ayon sa pahayag ng abogado na dating labor arbiter ng National Labor Relations Commission (NLRC) at hiniling na huwag muna siyang pangalanan na noong Setyembre 2014 ay hinarang siya ng traffic enforcer sa Quezon Avenue southbound nang kumanan siya papuntang Banawe.
Nagtataka aniya siya kung bakit siya hinarang gayong hindi ito ipinagbabawal.

Lalu pa umano siyang na­gulat nang kunan siya ng vi­deo ni Adriatico at itutok pa ito sa kanyang mukha na wa­lang sabi-sabi.

Kinuwestiyon ng abogado ang aksyon ng tauhan ng MMDA na may kasamang isa pang enforcer­. Pinayagan din naman aniya siyang umalis nang mangat­wirang may da­daluhan pa siyang hearing.

Aminado ang abogado na hindi na niya inireklamo ang insidente dahil maliit lang naman ito. Pero handa aniya siyang tumestigo sa korte sakaling ipatawag ka­ug­nay sa kaso ng Maserati driver na si Joseph Rusell Ingco.

ADRIATICO

AMINADO

AYON

JORBE ADRIATICO

JOSEPH RUSELL INGCO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

QUEZON AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with