3-katao niratrat ng tandem

MANILA, Philippines - Tatlong sakay ng motorsiklo ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Motorola St., Doña Nicasia Subd. sa Barangay Commonwealth,Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Daniel Jose ng Quezon City Police District Station 6, naisugod sa East Avenue Medical Center ang mga biktima na sina Alfredo Traya, 48; Janet Traya, 35, mga residente sa Doña Nicasia Subdivision sa Brgy. Commonwealth; at si Eduardo Aberiya ng Brgy. Commonwealth.

Napag-alamang nag-prayer service ang mga biktima sa kanilang simbahan kung saan papauwi pa lamang sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin pagsapit sa nabanggit na lugar.

Show comments