^

Metro

Nanghalay sa kambal, itinumba ng vigilante

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulagta ang isang jeepney driver nang pasukin sa kaniyang bahay ng tatlong lalaki na hinihinalang mga ‘vigilante’ matapos magyabang sa kanilang lugar na pinakawalan siya ng mga pulis sa kabila nang panggagahasa sa kambal na pamangkin ng kaniyang live-in partner sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival  sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Rolando delos Santos, alyas Bugoy,  38, residente  ng  Elias St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Sinabi ng ilang testigo, bago ang krimen ay napansin na ang tatlong lalaki na pabalik-balik sa paligid ng bahay ni Bugoy hanggang sa tuluyang pumasok at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay alas-8:00 ng gabi kasunod nito ang putok ng baril.

“Marami kasi ang nanggigigil sa ginawa niya nung nalaman na ni-rape niya yung 2 bata.  Tapos nung nakauwi siya dahil hindi naman natuluyang ikulong, nagyabang pa na hindi naman siya makukulong kasi matagal na ang pangyayari,” anang source.

Nabatid na binaril ang biktima habang natutulog katabi ang live-in partner na si Jhoan Marie. Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Nabatid na alas-3:00 ng hapon kamakalawa  nang bitbitin ng mga tauhan ng MPD-Station 3 ang suspek  nang lumutang ito sa Elias St. at arestuhin ng mga barangay kagawad sa lugar makaraang magtago kasunod nang pagkakabunyag sa ginawang panggagahasa sa kambal na 10-taong gulang.

Sa  salaysay ng mga bata, tatlong taon na ang nakalipas nang halayin sila ng suspect na ka-live-in ng kanilang tiyahin. Maraming beses umano silang ginagawan ng kahalayan ng suspect.

BUGOY

BULAGTA

CRUZ

ELIAS ST.

JHOAN MARIE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MABILIS

MAYNILA

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with