^

Metro

Pasyente nang-agaw ng baril ng sekyu sa ospital

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na  Overseas Filipino Worker (OFW) ang  nang-agaw ng baril sa security guard ng Ospital ng Maynila, sa Malate, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Fernan Allan Leano, desk officer ng MPD-Station 9, ang OFW na isang out-patient sa ospital ay  kinilalang si Rene Beboso, residente ng Emison St., Camella Homes, San Nicolas, Bacoor, Cavite.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang dalhin umano ng mga kaanak si Beboso sa OSMA upang ipa-check-up  dahil sa karamdaman nito, maging ang hindi na matinong pag-iisip.

Subalit habang nasa entrance gate ng ospital ay bigla nitong inagawan ng service firearm na .357 magnum  ang nakatalagang sekyu na si Jason Padua.  Nagpambuno ang dalawa hanggang  sa pumutok ang baril at mabawi ito ng sekyu. Rumesponde naman ang mga tauhan ng pulisya upang mapayapa ang OFW.

Nabatid na  bago  dalhin sa OSMA si Beboso , naisugod ito kamakailan lang sa Asian Medical Hospital, sa Alabang, Muntinlupa City dahil sa tangkang pagpapakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kaniyang lalamunan.

Sinabi din umano ng kaniyang kapatid na si Mary Jane na nawala sa sarili ang kapatid at palaging balisa nang ito ay dumating mula sa ibayong dagat.

Kahapon ay nakatakdang ilipat sa  psychiatry ward ng  University of the East Ramon Magsaysay (UERM) Hospital ang naturang OFW.

 

 

 

ASIAN MEDICAL HOSPITAL

BEBOSO

CAMELLA HOMES

EMISON ST.

FERNAN ALLAN LEANO

JASON PADUA

MARY JANE

MUNTINLUPA CITY

OVERSEAS FILIPINO WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with