^

Metro

2 karpintero patay sa gumuhong hagdanan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang karpintero, habang isa pang kasamahan nila ang su­gatan makaraang ma­bagsakan ng nagibang sementadong monoblock buhat sa ginagawang hag­danan sa ika-14 na palapag ng isang gusali sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang mga nasawi ay kini­lalang sina Reynaldo Ta­lento, 50, ng Taytay Rizal; at Arsie­ Pelong, 38, ng Cabilang­ Baybay, Carmona, Cavite. 

Sugatan naman si Peter­ Gemao, 39, ng Man­daluyong City na nakaratay ngayon sa ospital.

Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, nangyari ang insi­dente sa may One Eastwood Tower 1 na mata­tagpuan sa Eastwood City, Brgy. Bagumbayan, ganap na alas-4 ng hapon.

Base sa pahayag ng testigong­ si Jimmy Estra­bella, at dalawa pang ka­samahan ng mga ito, nasa ika-14 na palapag sila ng gusali at busy sa pagsi­semento ng hagdanan gamit ang chain monoblock nang bigla itong magiba.

Ang resulta, ang mga biktimang sina Talento at Pelong na noon ay nasa ika-12 na palapag ng gusali ay pawang tinamaan ng bumagsak na pre-cast na hagdan.

Samantala, ang bik­timang si Gemao na nasa ground floor naman ay tinamaan ng bumagsak na debris sa kaliwang mukha.

Patuloy ang imbes­tigas­yon ng pulisya sa nasabing insidente.

 

EASTWOOD CITY

GEMAO

JIMMY ESTRA

JOSELITO GAGAZA

ONE EASTWOOD TOWER

PELONG

REYNALDO TA

SHY

TAYTAY RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with