^

Metro

Dahil sa pagtindi ng trapik road projects, repairs tigil muna

Lordeth Bonilla at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa inaasahang pag­tindi ng trapik ngayong Kapaskuhan simula  sa darating na Disyembre 15, suspendido muna ang mga ginagawang road re-blocking at pagku­kumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang paghu­hukay sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA)  Chairman Francis Tolentino, ito ay bahagi na rin ng mga kinakasang solusyon ng ahensiya upang maibsan ang inaasahang masikip na daloy ng trapiko ngayong paparating na ang Kapaskuhan.

Magiging epektibo umano ang suspensyon mula Disyembre 15 ng taong kasalukuyan hanggang Enero­ 5, 2015.

Nabatid na tuwing Sa­bado at Linggo, nagsasagawa   ng re-blocking at repairs  ang DPWH sa mga kalye sa Metro Manila.

Bukod sa suspensyon ng mga road re-blocking, plano na rin ni Tolentino na ka­usapin ang mga mall ope­rators upang baguhin ang oras ng kanilang operasyon nang sa gayon ay makontrol ang sabay-sabay na pag­dagsa ng mamimili sa mga shopping malls.

Sa pamamagitan aniya nito ay maiibsan ang ma­tinding trapik sa lugar na malapit sa mga malls. Dahil dito, pinatatapos na ng DPWH sa mga kontraktor ang lahat ng nakabinbing road project sa Maynila.

Ayon sa DPWH-National Capital Region (NCR), dapat matapos ang lahat ng proyekto sa mga kalsada ng Maynila sa una o ikalawang linggo ng Disyembre.

Inaasahan ang paglobo mula 15 hanggang 20% ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA at ibang pangunahing kalsada sa Maynila.

Kung hindi pa rin mata­tapos ang ilang proyekto, pansamantala itong sususpindehin para hindi na makadagdag sa trapik.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

DISYEMBRE

MAYNILA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with