5 traffic enforcers sibak sa kotong

MANILA, Philippines – Limang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang sinibak­  bunsod ng reklamong pango­­ngotong.

Batay sa memorandum, Nobyembre 10 epektibo ang pagtatanggal sa ser­bisyo kina Michael Depanes, Nickole­ Fernandez, Mario Santos, Richard Tan Sanchez at Chris Allan Zapata.

Ayon kay MTPB Director Carter Don Logica, ang lima ay inireklamo ng pango­ngotong sa panulukan ng  Yuseco St. corner Rizal Ave­nue sa Maynila.

Giit ni  Logica, ang pango­ngotong ang kauna-una­hang  ipinagbabawal sa mga traffic enforcers kung saan  bahagi ito ng kanilang orien­tation sa pagpasok pa lamang bilang  traffic enforcer.

Samantala, nagsagawa rin ng clearing operations si Carter at kanyang mga tauhan sa Antonio Rivera corner C.M. Recto/ Tutuban;  Puregold Pritil-Juan Luna;  Abad Santos-LRT station Rizal Ave.; Quiapo, Quezon Blvd.; Panaderos-Sta. Ana at Altura-Magsaysay.

Show comments