^

Metro

Pambubugbog di matiis mister inutas ni misis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi na matiis ang madalas na pambubugbog lalo na kapag nagtatalo tungkol sa pera ang nagtulak sa isang misis para mapatay  sa saksak ang kanyang live-in-partner sa kanilang tinutu­luyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Julius Raz,  ang biktima ay nakilala sa pa­mamagitan ng kanyang iden­tification card na si Berto Itum, ng Phase 8, Brgy. North Fairview sa lungsod.

Si Itum ay napatay sa sak­sak ng kanyang kinakasamang si Maria Lavenia Torres, 32, na ngayon ay nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal.

Ayon kay PO2 Raz,  base sa pahayag ng kaanak ng suspect, madalas anyang nagta­talo ang biktima at ang nasawi hingil sa pera, lalo pa ngat nawalan  ng trabaho ang lalaki bilang construction worker. May limang anak ang dalawa na kailangang buhayin.

Dahil dito, madalas din anyang saktan ng biktima ang misis at maaaring hindi na ito natiis ng huli lalo pa at kapapanganak pa lamang nito sa ikalima nilang anak noong nakalipas na October.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa ganap na alas-8 ng gabi.

Ayon sa testigong si Arthur Soriano, kapitbahay ng dalawa, na nasa  loob siya ng kanilang bahay nang marinig niya ang biktima na pasigaw na nagsabing “subukan mo”.

Ilang sandali pa ay nakita umano ni Soriano ang biktima na lumalabas ng bahay na umaagos ang dugo sa kanyang dibdib saka bumuwal sa semento kasunod si Torres na may hawak na patalim at  tila susundan pa ng saksak ang biktima.

Sa puntong ito, nagpasya na si Soriano na hawakan ang kamay ni Torres at pigilan ito sa pag-atake sa biktima.

Sa kasalukuyan nasa state of shock pa anya ang babae at hindi pa nila ito makausap ng maayos.

ARTHUR SORIANO

AYON

BERTO ITUM

BIKTIMA

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DAHIL

JULIUS RAZ

MARIA LAVENIA TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with