Pharmacist sumemplang sa motor, nagulungan ng truck
MANILA, Philippines — Isang lady pharmacist ang patay nang mahulog sa sinasakyang motorsiklo at magulungan ng truck Biyernes ng gabi sa Tondo, Maynila.
Dead on the spot ang 32, anyos na biktima habang sugatan ang mister nito na isang pulis, 31 anyos kapwa residente ng Rodriguez St., Tondo.
Ayon kay PMajor Anthony Coyle Olgado ng Manila District Traffic Enforcement Unit, dakong alas-11 ng gabi ng Nobyembre 29 nang maganap ang insidente sa northbound ng Mel Lopez Blvd, sa harapan ng Building 22 at 24 sa Katuparan, Barangay 101, Tondo.
Lumilitaw na binabagtas ng mga biktima ang Mel Lopez Blvd nang sumemplang at tumilapon ang pharmacist.
Sa pagbagsak ng dalawa, kasunod ang paparating na truck at nagulungan ang ulo ng babae.
Sa pagresponde ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office, idineklara ni Jomay Lopez na wala ng pulso si Gizelle, alas-11:40 ng gabi.
Pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng truck.
- Latest