Manager ng videoke bar, itinumba

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang manager ng videoke bar matapos itong ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. 

Napuruhan sa ulo ang biktimang nakilala lamang sa alyas Mommy Sandy at Rose, manager ng 311 Karaoke Bar, at nakatira sa Lot 4, Block 48D, Phase 2, Brgy. Longos, Malabon City.

Sa police report, naganap ang pamamril sa loob ng nasabing bar sa #621 A. Mabini St., Sangandaan sa nasabing lungsod.

Nabatid  na naka-duty ang  biktima  sa videoke bar nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen na sinasabing nag­panggap na parokyano.

Show comments