Mga sasakyan di-pwede sa sementeryo sa MM

Photo by Edd Gumban

MANILA, Philippines - Isinara na ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) ang gate ng mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila  para hindi na makapasok ang mga pribadong sasakyan upang bigyan daan ang paggunita ng Undas ngayon.

Ayon sa MMDA, ang ilang sementeryo ay nagsara na ng kanilang gate simula kahapon at ang ilan naman ay ngayong araw, simula alas-4 ng madaling-araw.

Nabatid, na sa Maynila, simula ngayong araw ay sarado na ang Aurora Boule­vard mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue, Blumentritt mula A. Boni­facio hanggang  P. Guevarra, Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentritt, Retiro magmula  Dimasalang hanggang  Blumentritt Ext., P. Guevarra mula C­avite Street hanggang Pam­panga Street, Leonor Rivera Avenu­e mula  Cavite Street  hang­gang  Aurora Boulevard, Maceda Street mula  Makiling hanggang Dimasalang.

Magpapatupad din ng traffic re-routing sa ilang lugar ng Metro Manila, lalo na ang mga kalyeng patungo ng mga sementeryo.

Ang naturang hakbangin ay upang bigyan daan  ang mga taong magtutungo sa mga sementeryo at hindi sila gaanong maabala sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Show comments