^

Metro

Janitor na-‘hulicam’ sa pagkarnap ng motorsiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na maitanggi ng isang janitor ang pagkarnap sa isang motorsiklo nang ipapanood sa kanya ang kuha ng CCTV, na nagpapakita kung paano niya pinatakbo ang nakaparadang motorsiklo na pag-aari ng anak ng empleyado ng Manila City Hall, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Chief Insp. Bernabe Irinco, hepe ng Manila Action Special Assignment Section (MASA), nakilala ang inarestong suspek na si John Russel de Dios, janitor, ng Marilao, Bulacan, dakong alas-6:00 ng gabi kamakalawa  sa aktong pinaandar na ang Suzuki Skydrive na “for registration”, na pag-aari ng biktimang si Jose Lorenzo Macaraig,  26, ng Rodriguez, Balut, Tondo, Maynila.

Sa reklamo ni Macaraig, Oktubre 1, 2014 pa naglaho ang kanyang motorsiklo nang iparada sa likod ng Manila City Hall.

Hulugan at hindi pa tapos bayaran ang nasabing motorsiklo kaya nagpagawa sila ng flash alarm at dinala sila ni Irinco sa Command Center ng MCH kung saan napanood ang kuha ng CCTV ang pagtangay ng isang lalaking nakasuot ng helmet na pula.

Kamakalawa sa hindi sinasadyang pagkakataon, nadaanan nila ang nasabing motorsiklo na nakaparada kung saan nakita rin ang ‘butas’ na palatandaan na kanya ang motorsiklo kaya humingi ng assistance sa mga pulis at inabangan ang suspek.

Nang sakyan na ng suspek ang motorsiklo ay nila­pitan na siya ng mga pulis at biktima. Sinubukan ang hawak na susi na nagkasya at ikinumpara ang chasis na tugma sa nawawala.

Tumanggi sa una ang suspek na kinarnap niya ang motorsiklo subalit nata­meme na ito nang makita ang mga dokumento at ma­ging ang kuha ng CCTV. (Ludy Bermudo)

 

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

COMMAND CENTER

JOHN RUSSEL

JOSE LORENZO MACARAIG

LUDY BERMUDO

MANILA ACTION SPECIAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA CITY HALL

MOTORSIKLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with