MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Quezon City ang libreng sine sa mga residente ng lungsod na may kapansanan o person with disability.
Aprubado na sa konseho ang isang resolusyon na hihimok sa lahat ng cinema operator na katigan ang nabanggit na benepisyo para sa mga PWDs.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkulin ng lokal na pamahalaan na bigyang prayoridad ang kapakanan ng isang indibiduwal na dahil sa iba’t ibang uri ng kapansanang-pisikal ay limitado ang kakayahan.
Kung makakakuha ng suporta sa mga theater operators ang resolusyon na inakda ni 4th district councilor Jessica Castelo Daza libre na sa panonood sa mga sinehan ang lahat ng PWDs tuwing araw ng Lunes at Martes sa buong lungsod. (Angie dela Cruz)