^

Metro

World City College, binulabog ng bomb threat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nabulabog ang mga guro at estudyante ng isang paaralan at ospital sa Quezon City, makaraang makatanggap ng text messages ang isang tauhan nito hinggil sa nakatakdang pagsabog ng isang bomba na itinanim sa paligid, kahapon ng umaga. Ayon kay Insp. Noel Sublay, hepe ng Quezon City Police District-Explosive and Ordnance Division, ang bomb threat ay naganap sa may World City College na matatagpuan sa kanto ng Anonas St. at Aurora Blvd., sa lungsod, alas-11 ng umaga. Diumano, isang text message mula sa numerong #0927-4190250 ang natanggap ni Norman Tuvera, marketing manager ng WCC na nagsasaad na “Magandang umaga WCC, may surpresa kami sa inyong mga faculty staff at estudyante. May itinago kaming bomba sa paligid. Hanapin nyo kung makikita nyo. Pero bago nyo makita ay sasabog na ito.” Dahil dito, agad na pinababa ang mga kawani at estudyante ng WCC para makaiwas sa posibleng problema, bago tumawag ng awtoridad. Agad namang rumesponde ang tropa ni Sublay at nagsagawa ng panelling sa paligid ng WCC, subalit makalipas ang alas-12:20 ng tanghali ay negatibo ito. Agad ding pinabalik ang mga kawani at estudyante ng paaralan matapos na mapag-alamang ligtas naman sa bomba ang nasabing paaralan. Sabi ni Sublay, posibleng kagagawan na naman ng taong walang magawa ang nasabing pananakot.

ANONAS ST.

AURORA BLVD

AYON

DAHIL

NOEL SUBLAY

NORMAN TUVERA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

SUBLAY

WORLD CITY COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with