^

Metro

Traffic enforcer binundol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang mabiktima ng hit and run ng isang taxi driver kahapon ng madaling araw.

 Isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktimang nakilalang si Traffic Constable Jose Dayrit, miyembro ng “Takip Silim unit” ng MMDA.

 Sa inisyal na ulat ni MMDA Asst. General Mana­ger Emerson Carlos, nagmamando ng trapiko si Dayrit nang sadyang bundulin umano ito ng taxi driver sa may EDSA-Aurora Bou­levard sa Cubao,Quezon City.  Hindi naman malinaw kung hinuhuli ng biktima ang naturang taxi driver sa isang paglabag sa batas trapiko.

 Iniwan naman ng dri­ver ang taxi nito na dinala sa “impounding area” sa Orense, Makati City.  Hindi muna binanggit ni Carlos kung anong pangalan ng kumpanya ng taksi ngunit kanilang na-trace na umano ang operator nito na kanilang sasampahan ng kaso bukas.

 Inaasahan nila na makikipagtulungan ang operator ng taksi upang makilala at madakip ang kanyang tsuper para mapanagutan ang ginawa nitong krimen.

 

AURORA BOU

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EMERSON CARLOS

GENERAL MANA

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

TAKIP SILIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with