^

Metro

Bidding sa kontrata para sa pagpapalit ng riles ng MRT sisimulan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magdaraos ng bidding ang Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa rail replacement contract ng Metro Rail Transit (MRT-3) simula nga­yong araw, Oktubre 9.

Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, ang rail replacement ang nakikita nilang solusyon para maiwasan na ang pagkasira pang muli ng mga riles ng tren na dalawang ulit na naging dahilan nang pagkaantala ng operasyon ng MRT-3.

Tinatayang aabot sa P119 milyon ang halaga ng kontrata, na sasakop sa 6,000 linear meters ng riles sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Kaugnay nito, upang ma­­iwasan ang panibagong aber­ya sa operasyon ng MRT-3, kinumpuni na ng maintenance crew nito ang isang bahagi ng riles na nasira.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling-araw ng Miyerkules nang simulang kumpunihin ang riles mula sa Ortigas area hanggang sa Santolan area at natapos pagsapit ng alas-3:30 ng madaling-araw.

Dalawang ulit nang nagkaroon ng limitadong operasyon ang MRT-3 dahil sa si­rang riles. Ang pinakahuling insidente ay naganap nitong Martes kung kailan napilitang bumiyahe ang mga tren ng mula Shaw Boulevard sa Mandaluyong City hanggang sa Taft Avenue sa Pasay City lamang.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa Taft Avenue sa Pasay City at North Avenue sa Quezon City.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

MANDALUYONG CITY

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

SANTOS AVENUE

SHAW BOULEVARD

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with