^

Metro

Kelot nagselos, ka-live-in kinatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa sobrang selos, napatay sa saksak ng isang lalaki ang kanyang live-in partner sa loob ng kanilang ku­warto sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni PO2 Louie Serbito, nakilala ang nasawi­ na si Aikie Ra­mento, 20, service crew ng isang fastfood chain sanhi ng mga saksak sa kanyang ka­tawan.

Ginagamot naman sa ospital ang suspect na si Edmar Tangonan, 22, na sugatan din ma­tapos na magsaksak sa sarili, ayon kay Serbito.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa tinutuluyan ng da­lawa sa Campbridge St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Ayon kay Aling  Marilyn, nanay ng biktima, natutulog siya sa sala ng kanilang bahay nang marinig niya ang malakas na sigaw at pag­hingi ng saklolo ng kanyang anak sa loob ng kuwarto.

Dahil dito, agad na pinuntahan ni Aling Ma­r­i­lyn­ ang kuwarto kung saan niya nakita ang suspek na pinagsasaksak ang kanyang anak.

Agad na sumaklolo si Aling Marilyn sa kanyang anak at niyakap ang suspek para pigilan ito.

Ang biktima kahit sugatan ay tinangka pang tumakas pero pagsapit sa pinto ng kuwarto ay bumuwal din ito.

Humingi naman ng saklolo si Aling Marilyn sa kapitbahay at iti­nakbo ang biktima sa Labor hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Ang suspek dahil may sugat din sa katawan ay dinala din sa nasabing ospital kung saan ito nakaratay.

Sabi ng pulisya, selos ang ugat sa pana­nak­sak ng suspek sa biktima dahil nagdududa umano ang una na may kinalolokohan ibang lalaki ang huli.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

vuukle comment

AIKIE RA

ALING MA

ALING MARILYN

AYON

BRGY

CAMPBRIDGE ST.

EDMAR TANGONAN

LOUIE SERBITO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with