Habambuhay sa 3 drug dealer
MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkakulong ang naging hatol ng korte laban sa tatlong drug dealers sa Makati City, kamakalawa.
Sa naging desisyon ni Judge Gina M. Bibat, ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 64, hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang mga akusadong nakilalang sina Francis Halipa; Rogelio Alvarado at Arnel Ambrosio.
Base sa rekord, nadakip ang mga akusado sa magkakahiwalay na buy-bust operation na isinagawa noong Enero 21 at Nobyembre 26, 2012 at Hunyo 18, 2013 sa Brgy. Guadalupe Viejo, Brgy. Rizal at Brgy.Tejeros ng naturang siyudad ng mga kagawad ng MADAC.
Guilty ang naging hatol sa tatlo base sa mga ebidensiyang isinumite ng mga pulis laban sa mga ito. (Lordeth Bonilla)
- Latest