^

Metro

3 magkakapatid na paslit, patay sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala nang buhay makaraang marekober ng mga bumbero ang  tatlong magkakapatid na na-trap sa loob ng kanilang bahay habang nagaganap ang sunog, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Janine Hazel Flores, 9; John Russel, 6; at bunsong kapatid na si Joshua, 4. Nasawi ang magkakapatid dahil sa  suffocation.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-7 ng umaga­ ng sumiklab ang apoy buhat sa bahay ng pamilya Flores sa may Block 2, Maypajo, Brgy. 35 ng naturang lungsod. 

Ayon kay Brgy. Kagawad Ria Cruz naiwan sa loob ng kanilang bahay ang magkakapatid makaraang maagang umalis ang lola nila na si Zeny upang magtrabaho bilang street sweeper sa lungsod maging ang kanilang ama na nagpe-pedicab nang sumiklab ang sunog. 

Dakong alas-7:30 na nang maapula ang apoy na umabot lamang sa unang alarma.

Nabatid naman na nagpaabot na ng pakikiramay si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pamilya ng mga nasawi. Nakatakda na rin umanong magbigay ng tulong ang alkalde na maaaring sumagot sa pagpapali­bing sa mga paslit habang hiniling naman sa tanggapan ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice ang posibilidad na sagutin nito ang serbisyo sa punerarya.

Napag-alaman pa na naiwan sa pangangalaga ng kanilang lola ang mga paslit makaraang maghiwalay ang ina at ama ng mga ito. Tinitingnan naman ngayon ng mga imbestigador na nagmula ang apoy sa faulty electrical wiring.

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

DISTRICT REPRESENTATIVE EDGAR ERICE

JANINE HAZEL FLORES

JOHN RUSSEL

KAGAWAD RIA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with