^

Metro

Ordinansa sa tandem kukuwestiyunin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kukuwestiyunin sa hukuman ng grupo ng mga motor­cycle riders ang Mandaluyong Ordinance No. 550 na nagbabawal sa mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo, upang mabawasan ang mga krimen na kinasasangkutan ng riding-in-tandem.

Ayon sa Motorcycle Rights Organization, diskri­minasyon at labag sa kara­patang pantao ang ordi­nansa na sinimulang ipatupad noong Setyembre 4.

Alinsunod sa ordinansa, hindi pahihintulutan ang mga lalaking driver na magsakay ng kapwa lalaki bukod sa anak o tatay nito basta’t ma­iprisinta ang valid ID.

Wala namang problema kung babae ang magkaangkas sa motorsiklo o di kaya’y isang babae at isang bata.

Nais ng grupo na maipatigil ang pagpapatupad ng kautusan at maibalik din ang lahat ng siningil na multa sa mga una nang nahuli na lumabag sa ordinansa.

Giit nila, hindi ganitong klaseng batas ang kaila­ngan upang mahuli ang mga riding-in-tandem kundi police visibility at puspusang checkpoint.

ALINSUNOD

AYON

GIIT

KUKUWESTIYUNIN

MANDALUYONG ORDINANCE NO

MOTORCYCLE RIGHTS ORGANIZATION

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with