^

Metro

Paglalagay ng tent pinalagan ng mga vendors

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing tinututulan ng mga vendors mula sa Blumentritt ang planong paglalagay ng  mga tent sa kanilang lugar kasabay ng pahayag na  dagdag gastos lamang ito sa kanila.

Ayon kay Rolando Madronio, Acting President ng  PIGLAS, dagdag gastos ang  P160 kada araw na sisingilin ng city hall lalo pa’t may private sector ang mamumuhunan sa proyekto. Aniya,taliwas umano ito sa pangako sa kanila ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Paliwanag ni Madronio, hindi lahat ng mga vendors ay pare-pareho ng  puhunan sa kanilang tinitinda.

Kinondena din ng mga ven­dors ang umano’y arogante at   kabastusan ni  Che Borromeo na hepe ng TF Vending nang makaharap nila ito sa Bulwagan ng city hall.

Anila, hindi man lamang sila binigyan ng mas mahabang oras upang mas maliwanagan ang sitwasyon at proyekto.

Umalis si Borromeo sa  Bulwagan nang  hindi nito mapapayag ang mga vendors.

Inakusahan din ng mga vendors si Alex Morales, Vice Chairman ng TF Vending na contractor ng mga tent sa Divisoria, Quiapo at Blumentritt. Ito anila ang nagpipilit na ma­lagyan ng tent ang mga palengke para sa kanilang pan­sariling interes.

Mariin namang pinabulaanan ni Morales ang aku­sasyon sa pagsasabing, mahigpit na ipinagbabawal ni  Estrada ang  pagkikipagkasundo  sa anumang transaksyon ng mga city hall employee at  officials.

Paliwanag ni Morales, layon lamang ng  city hall at TF Ven­ding na maiayos ang hanay ng mga vendors sa lungsod kasabay ng pagsasaayos ng  daloy ng  trapiko.

Sa katunayan, hindi rin umano ito panggigipit at dagdag gastos sa mga vendors at sa halip ay pagsawata sa pa­ngongotong ng ilang mga indibidual kabilang na ang mga pulis at barangay officials.

Tiniyak din nito na sa pro­yekto ng city government mas lalaki ang kikitain ng mga vendor.  

ACTING PRESIDENT

ALEX MORALES

BLUMENTRITT

BULWAGAN

CHE BORROMEO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

PALIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with