^

Metro

HS stude patay sa kuryente

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 4th year high school student matapos itong makuryente habang naglalakad kamakalawa sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Carena Lizano, 17,  ng Trabajo St., Brgy. Olympia ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Managament Branch (SIDMB) ng  Makati City Police, naganap ang insidente alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng Hormiga St., ng naturang barangay.

Nabatid na habang naglalakad  ang biktima sa naturang lugar ay hindi nito namalayan na may nakalitaw na kawad ng kuryente na naging dahilan upang makuryente ito.

Dali-daling isinugod ng mga tanod na nagresponde ang biktima sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Ayon sa ama ng biktima na si Antonio Lizano, nagpaalam lamang  ang kanyang anak na bibili ng pagkain at habang hinihintay niya ito sa kanilang bahay, isang kapitbahay ang nagbalita sa kanya  na nakuryente ito.

Halos matulala ang ama ng dalagita sa sinapit ng kanyang anak, patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.

ANTONIO LIZANO

AYON

BRGY

CARENA LIZANO

HORMIGA ST.

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGAMENT BRANCH

TRABAJO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with