Deniece makikipag-ayos kay Vhong basta may sorry
MANILA, Philippines — Payag ang kampo ng modelong si Deniece Cornejo na maayos ang kasong grave coercion na isinampa laban sa kanya ni Vhong Navarro.
Sinabi ng mga abogado ng modelo na bago maayos ito ay nais nila ng public apology mula sa TV host na binubog ng mga tropa ni Cornejo noong Enero sa loob ng isang condominium sa Taguig City.
"We're open, but we want an apology from Mr. Navarro," wika ng abogado ni Cornejo na si Sal Panelo.
Samantala, nais ng kampo ni Navarro na ituloy ang kaso laban sa modelo at sa mga kasamahan niyang sina Cedric Lee at Zimmer Raz na nakakulong sa Camp Bagong Diwa.
"Vhong has been consistent from the very beginning. He is not open to settlement but he respects the process and he respects the law," wika ni Mallonga.
Bukod pa sa grave coercion, naghain din si Navarro ng kasong serious illegal detention laban kina Cornejo, Lee, at Raz at sa iba pa nilang kasamahan na hanggang ngayon ay nagtatago.
Walang piyansa ang kasong serious illegal detention.
- Latest